Zaijian, mapanghamon ang papel sa ‘MMK’

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

BIBIGYANG-BUHAY ni Zaijian Jaranilla ang kuwento ng pagsisikap ng isang lalaki para maiahon sa kahirapan ang kanyang malaking pamilya ngayong Sabado (Enero 13) sa Maalaala Mo Kaya.

ZAIJAN copy

Kahit salat sa buhay, mataas ang pangarap ni Freddie (Zaijian) na makatapos ng pag-aaral at maging guro. Ngunit bilang bunso sa labindalawang magkakapatid, alam niya na magiging mahirap ito para sa kanya lalo pa at may dalawa siyang kuya na may kapansanan.

Sa tulong ng mga madre sa Boystown sa Marikina, nakapag-aral si Freddie nang libre. Hindi rin naman siya pinabayaan ng pamilya, lalo na ng kanyang Kuya si Elo (JC Santos) na namunong mag-ambag para sa kanyang pang-araw-araw na pangangailangan.

Ngunit pagkatapos ng high school, aminado ang pamilya na hindi na siya maigagapang sa pag-aaral. Lalo pang lumubha ang sitwasyon nang mamatay si Elo dahil sa sakit sa kidney.

Alamin kung paano nalampasan ni Freddie ang mga paghamon ng buhay at kung paano maibabalik ni Freddie ang itinulong ng pamilya sa kanya.

Makakasama rin sa upcoming episode sina Amy Austria, Enzo Pineda, Cris Villonco, Maritess Joaquin, Marco Masa, Brace Arquiza, Jimboy Martin, Mitch Naco, at Kamille Filoteo, mula sa panulat ni Akeem del Rosario at sa direksiyon ni Nuel Naval.