Jake Ejercito, tatakbo para konsehal sa Maynila

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Ni Jimi Escala

NAKAUSAP namin ang isa sa mga loyal staff ni Mayor Joseph “Erap” Estrada nang magtungo kami sa city hall noong isang araw. Ikinuwento nito na isa raw sa mga anak ni Mayor Erap ang maaaring tumakbo para konsehal ng siyudad sa darating na eleksiyon.

JAKE AT MAINE copy

Sa kapipilit namin ay binanggit ng source na ang tinutukoy niya ay si Jake Ejercito.

“Kung hindi magbabago ang plano, tatakbo siyang konsehal. Marami ang nagbubuyo sa kanya at mukhang napapayag na rin siya,” sey ng kausap namin.

Nalaman din namin sa source na madalas sa City Hall si Jake dahil may mga inaasikasong papeles para sa mga negosyong pinasok nito.

“Maraming mga negosyo si Jake,” banggit ng kausap naming lady staff na idinugtong na gusto raw sana ni Jake na ipagpatuloy ang showbiz career pero nadismaya ito sa walang tigil na pangba-bash ng fans ni Maine Mendoza.

Tinanggihan ni Jake ang inialok na drama show dahil hindi raw nito kakayaning magdrama. Mas gusto pa raw niyang magpatawa.

“Basta, isa lang ang sinabi sa amin ni Jake, hindi niya kayang manggamit. Hindi niya ginagamit si Maine Mendoza,” pagalit pang banggit ng kausap namin.