NPC nanindigan para kay Doc Gerry

Filed under Dagdag Balita Balita RSS RSS Feed

Iginiit ng National Press Club (NPC) ang suporta sa pamilya at mga kaibigan ng pinaslang na broadcaster na si Gerry “Doc Gerry” Ortega sa pakikipaglaban para sa katarungan makaraang payagan ng Court of Appeals (CA) na makalaya si dating Palawan governor Joel Reyes, na isa sa pangunahing suspek sa pamamaslang.

“The NPC joins Doc Gerry’s family, the rest of the media community and all advocates of the rule of law in condemning, in the strongest term, the basis by the Court of Appeals’ former 11th Division headed by Associate Justice, Normandie Pizzaro, in ordering the release of Reyes,” nakasaad sa pahayag ng NPC.

Ayon dito, malinaw na nakabatay ang desisyon sa teknikalidad pero kung susuriin ay kuwestiyonable ito.

Ibinaba ng CA ang desisyon kasabay ng paggunita sa pamamaslang kay Ortega pitong taon na ang nakakaraan noong Enero 24. – Leonel M. Abasola