Lifestyle ng has been actor, mayayamang bading at matrona ang tumutustos

Filed under Blind Item Balita RSS RSS Feed

HINDI pa rin pala nagbabago ang has been actor sa pamimingwit ng mayayamang bading at matrona para matustusan siya at ang bisyo niya.

May edad na kasi ang aktor kaya inaakala naming tumigil na siya sa kanyang pamimingwit ng ‘sugar mommy’, hindi pa rin pala.

Grabe naman pala kasi ang lifestyle ng has been actor, nariyang naglalaro ng golf, polo, at mahilig sa mga mamahaling gamit mula ulo hanggang paa isama pa ang hilig niya sa luxury cars.

Halos wala na siyang project at wala rin namang negosyong pinagkakaabalahan pero natutustusan pa rin niya ang pangmayamang lifestyle niya.

Ayon sa spy namin, ang latest na benefactor ngayon ng has been actor ay kilala sa larangan ng pagpapaganda at ‘yung isa naman ay marami ang malalaking negosyo sa buong Pilipinas.

Ang tarush pa rin ng mga nabibingwit ng has been actor, kaya unlimited ang dating sa kanya ng cash at mga regalo.

In fairness, kahit has been na siya, napapanatili niyang maganda ang katawan niya, maporma at mabango pa rin kaya marami pa ring nababaliw. –Reggee Bonoan