Abalos, bumida sa US world’s golf

Filed under Golf Balita RSS RSS Feed
ABALOS: Bibida sa dalawang junior event sa US

ABALOS: Bibida sa dalawang junior event sa US

SASABAK si Pinay golf wiz Celine Abalos bilang kinatawan ng bansa sa dalawang pinakamalaking world amateur tournament – US Kids Golf European Championship sa Scotland at US Kids World sa North Carolina.

Nakamit ni Abalos ang karangalan nang makopo ang titulo sa US Kids Golf World Championship sa Malaysia.

“We are very impressed with her progress,” pahayag ni coach Carmelette Villaroman.

“She has the best attitude a coach could hope for. She is a fighter who never wants to give up.”

Bunso sa limang anak ni dating Rep. Benhur Abalos at Mandaluyong Mayor Menchie, nakamit ni Celine ang ikalawang puwesto sa likod ni Thailand’s Namo Luangnitikul sa Girls’ 8-and up division sa Straits Course of the Tanjong Puteri Resort sa Malaysia.

Umiskor si Celine ng 37, 36 at 38, limang puntos ang labis para magkwalipika sa championship.

Kabuuang 312 players mula sa 26 bansa sa United States.

“She wants this,” sambit ni Villaroman, dating Ladies Open at Philippine Ladies champ t kumndidati who caddied for Celine. “I have never asked her to train. She wants to do this and that’s a big plus.”