Miserableng aktor

Filed under Blind Item Balita RSS RSS Feed

Ni REGGEE BONOAN

HANGGANG sa social media na lang nakikibalita ang aktor tungkol sa aktres na hanggang ngayon ay mahal na mahal pa rin niya.

Dating magkarelasyon ang aktor at aktres at minahal nila nang husto ang isa’t isa pero hindi tumigil sa pambababae ang una kaya nakipaghiwalay ang huli.

Pero labis na dinamdam ng aktres ang nangyari at naging shoulder to cry on niya ang isa ring aktor na matagal na palang in love sa kanya.

“Karelasyon pa noon ni _____ (aktres) si _____ (aktor), gusto na siya ni _____ (aktor, na asawa na ngayon ng aktres),”  Kuwento ng taong nakakaalam sa mga nangyari. “Akala nga hindi na magkakahiwalay kasi nga sobrang in love noon si _____ (aktres) kay _____ (aktor na babaero).

“Kaya nu’ng nalaman ni _____ (aktor na asawa na ngayon) binakuran na niya si _____ (aktres) na maski saan magpunta ay talagang nakasunod siya at nanligaw talaga siya nang husto.

“Actually, nahirapan si _____ (aktor na asawa ngayon) dahil two years muna siyang nanligaw bago siya sinagot, though lagi silang lumalabas pero hindi pa sila, sabihin na lang nating good friends. Parang bodyguard ang nangyari, laging kasama kaya inakala ng lahat sila na.

Kaya nu’ng finally sinagot na ng aktres ang aktor na asawa na niya ngayon, ipinagsigawan ng huli na sila na officially at agad niyayang magpakasal.

In fairness, happy family ang mag-asawa ngayon kasama ang mga anak nila, samantalang si aktor na nakikibalita na lang sa social media accounts ng ex-girlfriend ay miserable pa rin ang buhay dahil walang tumatagal na karelasyon.

“Yung dalawang ex-girlfriends ni  ____(miserableng aktor) nag-asawa na rin at nasa ibang bansa na pareho, siya na lang ang nanatiling single at walang career,” sabi ng source.

Ang pagkakaalam namin ay binigyan ng chance si Aktor sa isang TV at movie project, pero nagkaproblema kaya hindi na naman siya natuloy.

Ang pagsisisi ay laging nasa huli.