McGregor, ‘di na lalaban sa boxing

Filed under Features, UFC Balita RSS RSS Feed

NEW YORK (AP) – Iginiit ni UFC President Dana White sa social media na walang katotohanan ang ibinibida ni eight-division world champion Senator Manny Pacquiao dahil hindi na magbabalik sa boxing si UFC lightweight champion Conor McGregor.

mcgegor copy

Malakas ang balita na muling lalaban si McGregor at laban kay Pacman matapos ang makasaysayang duwelo kay boxing undefeated champion Floyd Mayweather na umani ng 4.3 milyon sa pay-per-view.

Nauna nang ibinalita ni Pacquiao na may negosasyon na nagaganap sa kampo niya at ni McGregor at posibleng maganap ang laban sa Abril.

Mariin naman itong itinanggi ni White at nagbanta na idedemanda si pacman kung patuloy itong makikipag-uap sa kanyang fighter na walang pahintulot ang UFC.

Si McGregor ay nakapirma ng kontrata sa UFC, ayon kay White.

“He’s not Boxing anyone so calm down cry babies,” pahayag ni White sa kanyan g Twitter.