Vilma at Ralph, bakasyon sa silver wedding anniversary

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Ni JIMI ESCALA

NGAYONG araw ang silver wedding anniversary na nina Senator Ralph Recto at Congresswoman Vilma Santos. Seven years din silang naging magkasintahan muna bago nagpakasal, kaya bale 32 years na silang magkasama sa buhay.

Cong. Vilma Santos

Cong. Vilma Santos

Ayon sa Star for All Seasons, sobrang happy sila ni Senator Ralph pero wala naman silang magiging espesyal na pagdiriwang sa araw na ito. Mas pinili raw nilang mag-asawa ang magbakasyon. 

“Break muna at pagbalik recharged uli ang katawan ko. Sobrang busy kasi kaming pareho ni Ralph kaya hindi halos kami nagkikita. Pero sinisigurado naman namin na every Sunday nagkakasama kami magpamilya sa isang dinner,” kuwento ni Ate Vi. 

May natanggap na rin naman daw na mga regalo si Ate Vi mula sa mga kaibigan at siyempre mula sa pamilya at isa sa mga ito ang iPhone X na galing sa panganay niyang si Luis Manzano.

Speaking of Luis Manzano, may ugong na may kasalang magaganap sa susunod na taon sa panganay niya at sa kasintahang si Jessy Mendiola. Ano ang masasabi ni Ate Vi tungkol dito.

“Ayokong pangunahan si Luis. Alam mo naman ang anak kong ‘yan. Mahilig ‘yan sa mga surprises. Basta ang alam ko ngayon, eh,  nagbigay siya ng birthday surprise kay Jessy sa birthday niya,” sagot ng butihing actress/public servant. 

Binanggit din ni Ate Vi na pakiramdam niya ay papunta na sa pangmatagalang relasyon sina Luis at Jessy. 

“I can sense naman na papunta na sa paging pangmatagalan ang relasyon nila. Pero at the end of the day, siya pa rin ang magdedesisyon niyan. Alam mo naman ang buhay nila,” sabi niya.

Samantala, bonggang-bongga ang pagbabalik ni Sharon Cuneta sa big screen, kumita na ng mahigit P100M ang pelikula nito with Robin Padilla. Wala pa bang balak si Ate Vi na sundan ang  super blockbuster din niyang Everything About Her?

“Well, gustuhin ko man, eh, sobrang hectic ngayon ang schedule ko. Ayoko namang basta na lang iwanan  ang trabaho ko bilang representative ng lone district of Lipa para lang makagawa ng isang movie. Basta ‘pag medyo makaluwag, eh, baka makasingit din pero not now talaga,” sagot  ng Star For All Seasons.