Sunshine, pumalag sa blind item

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Ni NITZ MIRALLES

NAG-REACT na si Sunshine Cruz sa napakapangit na blind item na lumabas sa isang blog tungkol sa kanila ng boyfriend na si Macky Mathay.

SUNSHINE copy

Sa interview sa isang entertainment site, nakiusap si Sunshine ng, “Spare my children and get your facts straight. I don’t deserve the nasty comments being thrown to me by your followers. Macky and I are responsible parents and we don’t deserve this from you.”

Ayaw naming idetalye ang blind item dahil hindi maganda lalo na sa parte ni Sunshine, ang puwede lang naming isulat ay may involved na dining table.

Tama si Sunshine, hindi niya kapuri-puri ang comments ng netizens na nakabasa sa blind item. Nakakaloka dahil detalyado ang pagkakasulat na para bang may talagang nangyaring ganu’n.

Dagdagan pa ng comments ng netizens na paniwalang-paniwala sa blind item at may mga nag-“yuck” pa.

Hindi na nag-react si Macky at hinayaang si Sunshine na lang ang mag-react para sa kanilang dalawa.