Special courts sa EJK suportado ng SolGen

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Ni Beth Camia

Suportado ni Solicitor General Jose Calida ang pagtatalaga ng special courts na tututok sa mga kaso ng extra-judicial killings (EJK).

Ipinahayag ito ni Calida matapos talakayin sa oral arguments sa Korte Suprema ang dalawang petisyon laban sa war on drugs.

Iginiit din ni Calida na kumpiyansa siyang mananatili ang suporta ng nakararaming Pilipino sa kampanya ng Duterte administration kontra ilegal na droga.

Aniya, mapatutunayan ito sa resulta ng SWS survey 87 porsiyento ng mga Pinoy ay suportado pa si Pangulong Duterte.

Nitong Martes, tinapos ng Korte Suprema ang oral arguments at binigyan ang Office of the Solicitor General at ang petitioners ng 60 araw para magsumite ng kanilang memorandum at pagkatapos nito ay submitted for decision na ang kaso.