PMC Season pass sa PBA

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

Ni Marivic Awitan

MAGSISIMULA ang pagtanggap sa renewal para sa Privillege Membership Cards (PMC’s) para sa 2018 Season mula Disyembre 11-16 ang Philippine Basketball Association (PBA).

Para naman sa mga bagong aplikante, maaari ng mag-apply simula Disyembre 18.

Mayroon ding ini-o-offer ang liga na 2018 PBA Conference Pass na nagkakahalaga ng P45,00.00 para sa Patron A seats at P35,000.00 para sa Lowerbox-B seats ng Araneta, MOA Arena at Cuneta Astrodome; P20,000.00 para sa Upperbox-A ng Araneta at Lowerbox-C seats ng MOA Arena at Cuneta Astrodome.

Ang Conference Pass holder ay may siguradong seat mula sa eliminations hanggang finals games ng conference.

May limitado lamang na bilang ng conference passes.

Para naman sa PMC , nagkakahalaga ng P8,000.00 ang Premium/VIP, P7,000.00 para sa Patron seats ng SMART Araneta Coliseum at Special Ringside seats ng MOA Arena at Cuneta Astrodome. P5,000.00 para sa Patron C at Lowerbox A to C ng Araneta Coliseum at Courtside ng MOA Arena at Cuneta Astrodome.

Para sa lahat ng mga interesado at mga gustong mag renew ng kanilang PMC, mangyari lamang na tumawag at makipag-ugnayan kina Gerry Mesias o Nestor Noblejas sa PBA Ticketing Office sa telepono – 470-3258/59.