Luis, ‘di raw umalis sa ‘PGT’ dahil kay Angel

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Ni JIMI ESCALA

OUT na si Luis Manzano bilang host sa pagbabalik sa ere ng Pilipinas Got Talent. Si Luis ang orihinal na host ng ABS-CBN talent search show kasama ang kaibigang si Billy Crawford.

LUIS copy copy

Kumpirmadong si Toni Gonzaga ang pumalit kay Luis sa pinakabagong season ng programa na magsisimula early next year.

Ayon kay Luis, walang problema sa kanya kung pinalitan na siya ni Toni.

“For me, Toni is Toni. It’s an update, the way I see it. More than anything it’s the family. Five seasons kaming nagsama sa PGT, hindi biro ang pinagdaanan naming dalawa (ni Billy) mula pa sa umpisa nang season one at hanggang sa season five,” pahayag ni Luis Manzano. 

Pero ano ang masasabi ni Luis sa naglabasang isyu na siya raw mismo ang umayaw na maging host ng programa? May mga balita pang dahil daw kay Angel Locsin kaya nilisan niya ang PGT.

“Well, it is not that naman,” matipid na sagot ng binata.

May balita ring nagbabawas ng trabaho si Luis bilang paghahanda sa napipintong pagpasok niya sa pulitika.

“Hindi po totoo ‘yan. As I have said, masaya pa ako sa showbiz. Kung papasukin ko man ang politics, eh, hindi pa siguro sa ngayon. May mga bagay-bagay pa tayong dapat paghandaan,” sagot ng premyadong TV host.