Nagayo, umulit sa Appleby Open

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

MELBOURNE – Patuloy ang pamamayagpag ni Pinay teen golf sensation Ella Nagayo sa Down Under.

Tinaguriang ‘Swingderella’, tumipa ng three-over par 75 ang golf scholar mula sa Davao City para mapanatili ang Stuart Appleby Signature Open title sa Lilydale, Victoria.

Nahirapan man sa Gardiners Run Golf Club sa nakopong apat na bogeys at isang birdie ang iskor na 75 ay sapat na para mailista ang back-to-back championship sa torneo.