Kris, suwabe kung mangsupla

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Ni Nitz Miralles

NAKATIKIM ng suwabeng ng panunupla ala-Kris Aquino ang isang netizen na nag-post ng may halong intriga na, “Si Chinitaprincess na lang ang naiwan na friend mo? Just asking…”

Kahit may dysmenorrhea, sinagot siya ni Kris.

“I have a bad cold & I was debating if you want to be mean & make me feel bad or you’re just curious? I stalked your account to see how busy you are… saw you seem to work for @smsupermalls so I figured you must be really good at your job to be part of the SM group. I’m a single mom who works nonstop, so I don’t have much time to socialize. I do have a few true, close friends, ‘yung may bonding talaga, with genuine affection. But I choose not to share that aspect of my life because they aren’t celebrities & deserve their privacy. But I do WhatsApp regularly with one of your mall’s biggest bosses & I do keep in touch with your employer/owner because we used to be neighbours & she’s always been so supportive of me. I love her.”

Hindi na sinagot ni Kris ang sunod na comment ng netizen na natakot yatang isumbong siya ni Kris sa boss niya sa SM Supermalls dahil nag-iba ng tono.

Mabuti at busy at obsessed si Kris sa BTS, hindi na niya pinatulan pa ang netizen na pati mga kaibigan niya ay binibilang at pinakikialaman.

Aliw ang sinabi ni Kris na “Apart from being #BTS obsessed, and enlisting in the #btsarmy,” kaya mas marami ang natuwang BTS fans.