John Lloyd Cruz at Ellen Adarna, tuloy na sa kasalan

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Ni NITZ MIRALLES

ENGAGED na pala sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna at worth P3M ang engagement ring na ibinigay ng aktor sa kanyang fiancee.

ELLEN AT JOHN LLOYD copy

Nabuking ito nang makausap ni Lolit Solis ang alahera na binilhan ni John Lloyd ng engagement ring. Ang description ni Lolit sa engagement ring ay “Yellow princess cut perfect diamond,” kaya pala ang post ng isang friend ng couple, “Diamonds are forever” kasama ang picture ni Ellen na hawak ang pet dog pero kitang-kita ang engagement ring.

In fairness, hindi ipinost ni Ellen sa Instagram (IG) account niya ang engagement ring, sa ibang account nakita at IG story pa yata.

Wala rin sa IG account ni John Lloyd ang picture ni Ellen suot ang engagement ring.

Dahil may engagement ring, ibig sabihin, nag-propose na si John Lloyd kay Ellen. Kaya huwag na tayong magulat kung kasalan na ang kasunod nito. Ang hinihintay ngayon ng supporters ng dalawa ay kung kailan nila aaminin at kukumpirmahin na preggy si Ellen at malapit na silang maging parents.