JM de Guzman, balik-trabaho na

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Ni REGGEE BONOAN

PAKSA ng kuwentuhan ng entertainment editors/writers si JM de Guzman na kahit ilang beses nang ‘nawala’ ay parati pa ring nakababalik sa showbiz.

JM copy

“Nakakatuwa si JM kasi maski na ilang taon siyang nawala sa showbiz with all the vices he had, heto nakakabalik pa rin at may projects kaagad. Imagine, kinuha siya ng TBA Studios for a good project?

“And I heard balik-Star Magic siya? Imagine in and out siya sa Star Magic? Siya lang ang talent na nakita kong parating tinatanggap ni Mr. M (Johnny Manahan). Ilang talents na rin naman ang gustong bumalik sa Star Magic like _____ (dating paborito nitong aktres) pero hindi na tinanggap pa kasi sobrang pasaway. But look at JM, maski sinasabing pasaway siya, pero heto tinanggap pa rin siya,” kuwento ng kilalang entertainment editor.

Ang tanging pagkakamali lang naman kasi ni JM ay tinatalo siya ng depresyon pero nakabubuti na umaamin siyang may problema na kailangang ayusin. At kung sa pag-arte ang pag-uusapan ay maraming patataubin ang aktor at champion din siya sa pakikisama sa co-actors at co-workers niya. Kaya nga nu’ng banggitin sa produksiyon na gagawa ng bagong serye ang aktor ay walang may maireklamo laban sa kanya.

Bukod dito ay mahusay na mang-aawit ang aktor at nagsusulat din ng mga kanta, kaya ang pagiging talented na rin ni JM ang isa sa dahilan kung bakit muli siyang binigyan ng tsansa ng ABS-CBN.

Siyanga pala, may ginawang shorts film for Acer si JM kasama si Jennylyn Mercado na napapanood sa social media.