Barbie at Derrick, isang linggo ang shooting sa Italy

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Ni Nitz Miralles

SA December 13 na pala ang alis pa-Italy nina Barbie Forteza at Derrick Monasterio para sa shooting ng indie film na Almost A Love Story sa direction ni Louie Ignacio. Hanggang Dec. 19 ang shooting nila at kung ang mom niya ang makakasama ni Barbie, baka mag-extend sila ng stay at sa Italy na mag-Pasko.

DERRICK AT BARBIE copy copy

Kung hindi makakasama ang ina, mapipilitang bumalik agad ng Pilipinas si Barbie at ang boyfriend na si Jak Roberto ang matutuwa. Magkakasama sila sa Christmas, their first Christmas as a couple.

Sa Venice, Florence, at Pisa ang ilang lugar na binanggit sa amin na magiging location ng shooting ng pelikula.

Parehong first time sa Italy nina Barbie at Derrick, kaya excited at siguradong may mga lugar na silang gustong puntahan habang nasa Italy sila.

Maganda na rin na si Derrick ang natuloy na leading man ni Barbie sa Almost A Love Story dahil sila rin ang magkatambal sa bagong rom-com ng GMA-7 na Bongga Ka, ‘Day. Sa January 2018, na sisimulan ang taping nito at karamihan daw sa location ay sa Cebu. Si Joey Reyes ang narinig naming magiging director nito.