2 riders sugatan sa kotse

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

Ni Leandro Alborote

TARLAC CITY – Sugatan ang isang motorcycle rider at angkas niya makaraang makasalpukan ang isang kotse sa highway ng Barangay Sto. Cristo sa Tarlac City, kahapon ng madaling araw.

Nagtamo ng sugat sa iba’t ibang parte ng katawan at isinugod sa Jecsons Medical Center sina Arden Dayan, 17, driver ng Yamaha Mio motorcycle; at Aldrin Dayao, 17, kapwa ng Sitio Centro, Bgy. Sapang Maragul, Tarlac City.

Nabangga ang motorsiklo ng Nissan Sentra (CHW-585) na minamaneho ni Emerson Ramos, 36, may asawa, ng Zone 5, Bgy. Maliwalo, Tarlac City, bandang 1:30 ng umaga.