Palaboy natagpuang patay

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

Ni Leandro Alborote

PANIQUI, Tarlac – Dahil sa matinding gutom at sakit na nararamdaman umano sa katawan ng pulubing babae, na sinasabing may sakit sa pag-iisip, ay inatake ito sa puso sa Barangay Estacion, Paniqui, Tarlac, nitong Lunes ng umaga.

Ang hindi nakikilalang bangkay ng babae ay nadiskubre ni Ericson Balaba, barangay tanod, at kaagad ini-report sa mga opisyal ng barangay, na nagpaalam naman sa pulisya.

Napag-alaman na ang biktima ay pagala-gala sa Paniqui hanggang sa mapadako sa likod ng barangay hall at nahiga.

Dakong 9:30 ng umaga nang mapansin ng ilang residente na hindi na gumagalaw ang biktima.

Ang bangkay ay nakalagak sa Bravo Funeral Parlor sa Bgy. Estacion, Paniqui.