Nanggulpi ng misis, kalaboso

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

Ni Leandro Alborote

CONCEPCION, Tarlac – Matinding bugbog sa katawan ang inabot ng isang ginang sa Jefmin Village, Barangay Dutung Matas, Concepcion, Tarlac, nang mapagtripan ng kanyang lasing na asawa, nitong Lunes ng gabi.

Ayon sa report, dahil sa matinding bugbog na inabot ay isinugod sa Concepcion District Hospital ang 53-anyos na ginang makaraang gulpihin ng 45-anyos niyang mister.

Nauna rito, nakipag-inuman ang lalaki kaya umalis sa bahay ang ginang upang makaiwas sa away.

Hindi nadatnan ng mister ang asawa nang umuwi sa bahay, at nang dumating ang biktima bandang 9:20 ng gabi ay binugbog ito ng suspek sa harap ng kanilang mga anak.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9262 o Anti-Violence Against Women and Children.