Poe sa PUJ drivers: Usap tayo

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

NI: Vanne Elaine P. Terrazola

Magsasagawa ng pagdinig ang Senado tungkol sa pinaplanong jeepney modernization program ng gobyerno kung saan mas akmang ilahad ng mga public utility jeepney (PUJ) drivers at operators ang kanilang hinaing laban sa nabanggit na programa, kaysa magsagawa na naman ng panibagong tigil-pasada.

Ito ang sinabi kahapon ni Senator Grace Poe, chairperson ng Senate committee on public services, matapos siyang umapela sa Pinag-Isang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) at sa No to Jeepney Phase Out Coalition na huwag nang ituloy ang ikinasang dalawang-araw na transport strike bukas at sa Martes, Disyembre 4 at 5.

“I am appealing to transport groups PISTON and the (No to) Jeepney Phaseout Coalition to reconsider and call off their planned strike and instead sit down with us in the committee so that the Senate can hear their concerns regarding the proposed jeepney modernization program of the government,” mensahe ni Poe sa mga grupong magtitigil-pasada. “I understand that certain issues in the modernization program still need to be carefully studied and threshed out with the concerned government agencies.”

Sinabi ni Poe na ihahain niya bukas, Lunes, ang resolusyon para magsagawa ng “urgent” na pagdinig upang talakayin ang problema ng mga jeepney driver at operator laban sa modernization program.

Plano rin niyang magsagawa ng Public Services committee hearing sa Huwebes, Disyembre 7.

“Their (PUJ sector) problems are not theirs alone, but that of the entire nation that depends on the kind of public transportation they offer. Let us sit down and talk, and find ways to move forward with solutions that are socially just and feasible,” sabi pa ni Poe.

Ang tigil-pasada bukas at sa Martes ay ikatlo na ng PISTON, na ang huli noong Oktubre ay nagbunsod ng suspensiyon ng trabaho sa gobyerno at klase sa mga paaralan sa buong bansa.

  • Dom M.

    Importante dyan marinig ang hinaing ng ating mga tsuper. Hindi naman nag dalawang isip ang ating mga tsuper sa apila ni Sen.Grace. Hindi na matutuloy ang transport strike sa lunes. Pag-usapan at wag idaan sa kalsada na marame ring kababayan natin ang maapektuhan.

  • Tasyo Diman

    Sa hindi padalos-dalos na desisyon magiging maayos ang paguusap tungkol sa phase out ng mga lumang jeepney. Magandang ihemplo ang pagdinig sa senado upang marinig ag panig ng ating mga jeepney drivers

  • Ben Dima

    Dahil sa apila ni Sen. Poe walang maantalang trabaho sa lunes. Salamat po Madam