Balik-aberya sa MRT

Filed under Dagdag Balita Balita RSS RSS Feed

NI: Mary Ann Santiago

Matapos ang tatlong araw na kawalan ng aberya, kahapon ng umaga ay muling nagpababa ng pasahero ang isang tren ng Metro Rail Transit (MRT)-Line 3 sa Quezon City dahil sa panibagong aberya.

Batay sa abiso ng MRT-3, nabatid na dakong 5:05 ng umaga nang mapilitang magpababa ng may 130 pasahero ang southbound train nito sa GMA Kamuning Station, nang masira ang piyesa sa motor nito, na nagdulot ng electrical failure.

Kaagad din namang pinasakay sa kasunod na tren ang mga pinababang pasahero upang maihatid sa kani-kanilang destinasyon.