Biggest 68th Fil-Am golf tournament sa Baguio

Filed under Golf Balita RSS RSS Feed

Ni Zaldy Comanda

BAGUIO CITY – Handa na ang Baguio Country Club at Camp John Hay golf course sa muling pagsisimula ng makasaysayang golf tournament sa bansa — ang 68th Fil-Am Invitational Golf Tournament — na lalahukan ng mahigit sa 1,300 golf aficionados na magpapagalingan sa dalawang linggong maaksyong kompetisyon.

Nabatid kay BCC general manager at Fil-Am co-chair Anthony de Leon, na isinusulong ang torneo sa pakikipagtulungan ng Department of Tourism. Papalo ang torneo sa Disyembre 1.

Ngunit, ang practice rounds ay magsisimula sa Nobyembre 29.

“We’re all set and ready for the games, the courses are in good condition,” pahayag ni De Leon.

Sa Diyembre 2 ang simula ng seniors division hanggang Disyembre 7, samantalang idedepensa naman ng San Miguel Northern Cement ang kanilang korona sa Fil division, samantalang ang Manila Southwoods na nag over-all champion sa nakalipas na taon ay handang mapanatili ang kanilang titulo.