Arjo, ayaw ibilad sa publiko ang girlfriend

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Ni REGGEE BONOAN

SA launching ng bagong teleseryeng Hanggang Saan na pagsasamahan ng mag-inang Sylvia Sanchez at Arjo Atayde ay ayaw pa ring pag-usapan ng binata ang relasyon niYA sa Girl Trends member na si Sammie Rimando na lumalabas sa It’s Showtime.

Arjo copy

Hindi naman itinatago ni Arjo si Sammie dahil open naman siya sa pagpo-post Instagram ng mga litrato nila kasama ang mga kaibigan at gayundin si Sylvia, ipino-post ding kasama ang dalaga sa mga lakad pamilya nila.

Ang katwiran ng aktor, “As much as possible, I want to keep it personal, sorry.”

Mukhang ayaw ni Arjo na pinagpipistahan ang love life niya dahil hindi naman sila magkatrabaho.

Kaya sa Q and A ng Hanggang Saan ay natanong si Arjo kung ano ang komento ng nanay niya sa girlfriend niya.

“Hindi naman po siya nakikialam. Gusto lang niya marespeto. More than anything, honestly speaking, each and every mom wants that for their kid, ‘yung marespetong babae and everything else mabait, kindhearted, ma-reach out sa mga tao, sa pamilya — I think that’s common sense,” kuwento ng binata.

Isang bilin pa raw ni Ibyang sa anak, “You have to get a girl who’s really intact with your family. Because, at the end of the day, it’s you guys together.”

Kamakailan ay nagdiwang ng 27th birthday si Arjo na wala pa sa plano ang pag-aasawa.

“When you talk about marriage, it’s really not my thing. It will come in years’ time. I have a long way to go. I have dreams to reach. I have people to meet. I have places to go.

“And I’m not gonna stop my career because of marriage. But I’m happy with whatever I have right now, with each and every blessing,” diretsong sabi ni Arjo na gaganap bilang Paco sa Hanggang Saan mula sa GMO unit.