Video ng GF ni Franco Hernandez, iniiyakan ng netizens

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Ni: Nitz Miralles

MARAMI ang nalungkot at umiyak nang mapanood ang last video ng Hashtag member na si Franco Miguel Hernandez na ipinost ng girlfriend niyang si Janica Nam Flores na kuha sa bakasyon nila sa Davao Occidental na pinangyarihan ng aksidenteng ikinasawi ng binata.

Franco at GF copy

Lalo pang nalungkot ang netizens nang mabasa ang message ni Janica para sa pumanaw na nobyo. Kinunan ang video habang papunta sila sa sasakyan nilang bangka at sa nakita namin, mabato ang dalampasigan, hindi malinaw kung ilog o dagat ang kanilang pinuntahan.

“Eto ‘yung last video natin ‘yung araw na papunta na tayo sa bangka at nangyari ‘uung accident hindi ko alam parang nag-message ka sa ‘kin kaya sabi ko ‘wait lang i-video ko’. Ang sabi mo d’yan, ‘sorry’ pero hindi mo ‘tinuloy. Bakit naman gano’n, mahal ang unfair-unfair mo naman mahal ko, sabi mo sa ‘kin you want to make more memories with me.
Bakit naman gano’n! Please tuparin mo naman mga pangako mo sa ‘kin. Ang dami-dami pa natin pangarap, mahal!

Balik ka na please, miss na miss na kita sobrang mahal na mahal kita mahal na mahal mahal ko ikaw ang buhay ko mahal.”

Marami ang nagpadala ng condolence kay Janica na lumalabas din pala sa telebisyon. Kasama siya sa cast ng Wildflower ni Maja Salvador.