Mark at Winwyn, kasal na ang pinag-uusapan

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Ni ROBERT R. REQUINTINA

INAMIN ni Mark Herras na pinag-uusapan na nila ng kanyang girlfriend, ang newly crowned Reina Hispanoamericana winner na si Teresita “Winwyn” Marquez, ang kasal.

MMark copy copy

Ito ang revelation ni Mark sa exclusive interview sa homecoming party para kay Winwyn sa Anabel’s Restaurant sa Quezon City nitong Lunes ng gabi.

“We have this standing joke noon na kapag nanalo ako, sabi n’ya, may one more year or two more years para mag-ipon,” sabi ng actor-model.

“Siguro sulitin muna n’ya ang pagkapanalo niya at mga projects na mapupunta sa kanya,” sabi ng Kapuso actor.

“’Pag medyo ramdam na nila na p’wede na kami mag-settle down, siguro p’wede na. Wala namang masama.”

Mahigit isang taon nang kasintahan ni Mark, 30, si Winwyn.

Nagsimula sila bilang magkaibigan at nagkikita sa iba’t ibang palabas ng GMA-7. Huli silang nagkasama sa trabaho sa TV series na Hiram na Puso.

Nang tanungin tungkol sa mga katangian ni Winwyn na pinakagusto niya, sinabi ni Mark na: “She’s not a showbiz person.

When she talks, she’s very calm. She’s very nice and educated. She likes to help people.”

Nauna rito ay sinabi ni Alma Moreno na nasa tamang edad na ang kanyang anak para mag-asawa ngunit pinayuhan niya itong i-enjoy muna ang pagiging dalaga.

“Nasa edad na si Winwyn. She’s 25. Nasa sa kanya na ‘yun (kung kelan s’ya magpapakasal). Basta handa na siya. Ang advice ko sa kanya, i-enjoy niya ang pagka-single. Kasi ‘pag nag-asawa ka na, maiiba na ang mundo mo,” ani Alma.

Sinabi ni Mark na pinanood niya ang live stream ng Reina Hispanoamericana pageant na ginanap sa Bolivia.

Idinagdag niya na na-congratulate lamang niya ang kanyang girlfriend tatlong oras matapos ang pageant.

Nang tanungin tungkol sa kanyang victory gift para kay Winwyn, sinabi ni Mark na: “Nothing special. I just gave her her favorite carnation flowers.”

Ayon pa kay Mark, umaasa siya na magkaroon ng simpleng date kasama ang girlfriend kapag naayos na ni Winwyn ang kanyang schedule. “It will be a normal date.”

Pinasamalamatan ni Winwyn, na ngayon ay nais nang mas makilala bilang si Teresita Marquez, ang lahat ng sumuporta sa kanyang journey to the beauty pageant.