Loving fans ni Alden, mas powerful kaysa bashers na maitim ang budhi

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Ni NITZ MIRALLES

MAS powerful ang prayers at malasakit ng mas maraming nagmamahal kay Alden Richards kaysa sa mga basher na may masasamang wish sa aktor.  

Alden copy

Habang patuloy kasing dumarating ang projects at awards, bigla naming naalala ang isang basher ni Alden na sa sobrang galit sa aktor dahil pumunta sa Korea para i-promote ang airing ng Carmela nila ni Marian Rivera, nag-wish na sana raw ay sumabog ang eroplanong sinakyan nito. Kasama ni Alden that time sina Dennis Trillo, Tom Rodriguezat Carla Abellana.

May isa pang fan na nagalit din sa aktor nang hindi nakasama sa Camarines Sur dahil may sakit at nag-wish namang tuluyan na siyang magkasakit. Hindi naniwala ang basher ni Alden na may sakit siya dahil nakita ito sa mall.

May solid fans at ilang Aldub fans na nag-react at umaway sa bashers na nag-wish ng hindi maganda para sa aktor. Kung nabasa ‘yun ni Alden, tiyak na nalungkot dahil inakalang fans niya ang nag-wish ng hindi maganda sa kanya.

Pero dahil lang hindi nasunod ang gusto nilang mangyari at gawin ni Alden, nagalit na at nag-wish na magkasakit at mamatay ang aktor. 

Sabagay, ilang beses na ba ng may nag-wish na magkasakit ng malubha, maaksidente at mamatay si Alden?

Samantala, ang kapalit ng nag-wish ng hindi maganda kay Alden ay ang pagkakapanalo nito sa Star Awards for TV ng Best Single Performance by an Actor para sa Kapatid episode ng Eat Bulaga Lenten Special sa role ng isang may autism. Ka-tie niya si John Estrada.

Ibig sabihin, mas nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng nagmamahal na fans kaysa bashers na maitim ang budhi.