Colombian bistado sa nilunok na P8-M ‘cocaine’

Filed under Balita, Features Balita RSS RSS Feed

Ni FER TABOY

Hinuli ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang Colombian na nagtangkang magpuslit ng P8 milyon halaga ng hinihinalang cocaine sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

A Colombian national namely Alberto Pedraza Quijano 67yrs old was nabbed in NAIA T3 after allegedly importing illigal drugs that cost 8.9million pesos. The alleged drugs was put inside the suspect stocmac. ( Jun Ryan Arañas )

Kinilala ang suspek na si Alberto Pedraza Quijano, na nakumpiskahan ng 79 na rubber pellets ng umano’y cocaine na may bigat na 1.185 kilo at nagkakahalaga ng P8.89 milyon.

Ayon kay Ismael Fajardo, Jr., hepe ng PDEA-Metro Manila, nadiskubre sa tiyan ni Quijano ang droga nang isalang ito sa x-ray exam sa Pasay General Hospital.

“Umaga kahapon (Lunes) n’ya nag-umpisa ilabas ito… It took him more than 24 hours para mailabas niya ‘yung 79 rubber pellets,” sabi ni Fajardo.

Ayon sa NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group, maaaring miyembro ng international drug syndicate si Quijano at modus niyang lunukin ang mga droga upang maipuslit ito sa isang bansa.