Luis Manzano pinaghahandaan ang pagkandidato sa Batangas

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Ni JIMI ESCALA

BUKOD sa planong pagpapakasal nila ni Jessy Mendiola, pinaghahandaan na rin ni Luis Manzano ang pagpasok sa larangan ng pulitika. 

Ito ang binanggit sa amin ng source namin na malapit sa panganay ni Batangas 6th District Vilma Santos-Recto. 

Luis Manzano

Luis Manzano

Early next year ay magde-decide na raw si Luis kung anong posisyon ang tatakbuhan niya sa 2019 elections, pero definitely ay sa Batangas kakandidato ang TV host.

Samantala, umani ng papuri mula sa netizens si Luis nang hulihin at tiketan ng MMDA traffic enforcer ang kanyang driver dahil sa number-coding violation. 

“Nakalimutan ng driver ko na coding kami, good job kay Sir MMDA, di humingi ng kahit na ano or nagparamdam ng lagay. Good job, Sir,” caption pa ni Luis sa kanyang Instagram post na kuha sa MMDA officer habang tinitiketan ang kanyang driver. 

Nakilala siyempre ng MMDA officer si Luis at knows siyempre nito na anak siya ni Congw. Vi at step-son ni Senator Ralph Recto pero hindi ito nag-alangan na patawan ng violation ang  driver niya.

Kumbaga, kaya namang pakiusapan ni Luis ang MMDA officer at tiyak naman sigurong pagbibigyan siya, pero wwwwww ginawa ng premyadong TV host.

“It shows, he has a breeding, he was really brought up well by his parents. We admired him when he gave a large amount of cash to help a cancer victim, he does this a lot of times he has a big, big heart,” komento ng isang netizen. 

“That is what a good person is, this should be an example expecially to those people who are in power and famous. Kudos to you, Manzano, am sure Cong.  Vi is so proud of you,” sey naman ng isa pa.

Sa totoo lang naman, mabait at may breeding talaga si Luis.