Ginang binistay, 3 sugatan sa bala

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Patay ang isang ginang makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem, habang tatlo naman ang nasugatan sa ligaw na bala sa Caloocan City, nitong Linggo ng hapon.

Dead on the spot si Zenaida Delos Santos, 48, ng Barangay 187, Tala, dahil sa mga tama ng bala ng .45 caliber pistol sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Isinugod naman sa ospital sina Michael Medalla, 20; Harwyn Bongon, 13; at Liza Olloso, 34, makaraang tamaan ng bala sa paa, katawan at kamay, ayon sa pagkakasunod.

Sa report ni PO1 John Ree Bello, bandang 4:15 ng hapon ay nakatayo si Delos Santos sa harap ng kanilang bahay nang biglang dumating ang dalawang lalaki na magkaangkas sa motorsiklo.

Bumunot ng baril ang angkas at pinagbabaril ang ginang, na kaagad nitong ikinasawi.

Iniimbestigahan pa ang posibleng motibo sa krimen. – Orly L. Barcala