Angeline, loveless pero may nag-aalaga

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Ni: Reggee Bonoan

“’YUNG may isang taong hindi ka pinahalagahan, pinabayaan ka atb hinayaang mawala, dahil may isang taong mamahalin ka ng higit sa iyong akala. May isang taong papahalagahan ka minu-minuto, araw-araw. Kaya dapat ay magpasalamat sa taong nagpabaya, dahil sa kanya natagpuan ang taong handang itaya lahat basta ‘wag ka lang mawala.”

Angeline-Quinto-Final copy

Ito ang makahulungang post ni Angeline Quinto sa kanyang Facebook nitong Linggo ng gabi.

Kaya nag-message kami sa singer/actress para itanong kung para kanino ang hugot niya na obvious may kinalaman ito sa taong nagpapasaya sa kanya ngayon.

“Wala na po ‘yun, Ate Reggee. He-he-he-he, matagal na pong nawala sa buhay ko ha-ha-ha,” sagot ni Angge.

Hinuli namin kung ‘yung manliligaw niyang taga-Pampanga o si Coco Martin na hindi niya nakatuluyan noon.

“Ha-ha-ha-ha, non-showbiz po ‘yun,” masayang sabi ng aktres na kasalukuyang nasa taping ng FPJ’s Ang Probinsyano nang mag-reply.

Biniro rin namin kung hindi ba nagselos si Erik Santos sa muli nilang pagkikita ni Coco.

“Hindi naman po nangungumusta si Erik sa trabaho ko,” kaswal na sagot ng dalaga.

Kinukumusta ba niya si Erik sa trabaho o mga ginagawa nito?

“Minsan po, he-he-he.”

May love life ba ngayon si Angeline Quinto?

“Ha-ha-ha, wala po sa ngayon, Ate Reggee gusto ko po magtrabaho nang magtrabaho nang magtrabaho,” say niya.

‘Aba Angge hinay-hinay din, ang health,’ bilin namin.

“Opo, Ate Reggee nagpapa-check-up naman din po ako. Alam n’yo naman, Ate Reggee, ang katawan ko mas hindi po ako sanay nang walang ginagawa eh,” aniya.

Inalam din namin kung magtatagal ang papel niyang mandurukot sa FPJAP, “Hindi ko lang po alam kung magbabago ang role namin.”

Hmmm, totoo kayang loveless o ayaw lang i-reveal kung sino ang taong nag-aalaga sa kanya ngayon?