Wanted sa rape nakorner

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

TALUGTOG, Nueva Ecija – Hindi nakapalag ang isang lalaking may kaso ng panggagahasa makaraang makorner ng pinagsanib na puwersa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Pangasinan at Talugtog Police, sa inilatag na operasyon sa Barangay Mayamot Uno sa Talugtog, Nueva Ecija nitong Sabado ng hapon.

Pinangunahan ni CIDG-Pangasinan chief, Chief Insp. Aragil Guardaya ang pagsisilbi ng arrest warrant laban kay Larry Capua y Abrigo, nasa hustong gulang, residente sa nasabing lugar, para sa kasong rape.

Walang inirekomendang piyansa para kay Capua, na nailipat na sa kustodiya ng Urdaneta Police. – Light A. Nolasco