Van sumalpok sa truck, 11 sugatan

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

LIPA CITY, Batangas – Nasa 11 katao ang bahagyang nasugatan matapos na sumalpok ang sinasakyan nilang van sa nakaparadang trailer truck sa lay-by na sakop ng Kilometer 70 southbound ng Southern Tagalog Arterial Road (STAR) Tollway sa Barangay Tibig, Lipa City, Batangas kahapon.

Ayon kay Lipa City Police chief Supt. Meliton Salvadora, ligtas na ang 11 pasahero ng Toyota Hi-Ace van na isinugod sa Mary Mediatrix Medical Center.

Sinabi ni Supt. Salvadora na binabagtas ng van (WIT-512), na minamaneho ni Leonard Prince Orsolino, ang highway nang mawalan ito ng kontrol sa sasakyan hanggang bumangga sa hulihang bahagi ng trailer truck.

Hindi naman nasugatan ang driver ng truck na si Marcelo Francisco at helper nito. – Lyka Manalo