P29.7-M jackpot, sinolo ng Negrense

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

Solong ibubulsa ng isang tumaya sa Grandlotto 6/55 sa Escalante, Negros Occidental ang P29,700,000 premyong jackpot nitong Sabado.

Samantala, dalawang katao—na bumili ng kanilang ticket mula sa Pililia sa Rizal at sa Sikatuna Village sa Quezon City—ang masuwerteng natsambahan ang winning six-digit combination ng Lotto 6\42, at nagwagi ng P2,970,000 bawat isa.

Kinumpirma kahapon ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na natsambahan ng Grandlotto winner ang mga numerong 11-19-35-41-10-05.

Ang winning combination naman para sa Lotto 6/42 ay 23-30-03-06-09-25, na na-draw nitong Sabado ng gabi. – Jel Santos