Ninakaw na sasabungin, sa tupada nabawi

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

SAN LEONARDO, Nueva Ecija – Natagpuan sa loob ng Peñaranda Cockpit Arena ang nawawalang sasabunging manok habang bitbit ng isang sabungero sa Barangay Las Piñas, San Leonardo, Nueva Ecija, nitong Sabado ng hapon.

Kinilala ang biktimang si Ronito Macaspac y Abrigo, 48, naa-aalaga ng mga sasabungin.

Ninakaw umano ang dalawang sasabungin ni Macaspac nitong Biyernes ng madaling araw mula sa kulungan ng mga ito sa kanilang compound.

At bandang 2:30 ng hapon nitong Sabado ay nagtungo si Macaspac sa sabungan at makita ang mga nawawala niyang manok.

Kaagad na humingi ng tulong sa pulisya ang biktima at naaresto si Eugene Aberin y Alcantara, 45, ng Bgy. 4, Peñaranda, na huli sa aktong hawak ang manok ni Macaspac.

Nabawi ang isa sa dalawang sasabungin, habang ang isa ay naibenta na ng P2,500. – Light A. Nolasco