Pasaway na aktres, ‘di inirespeto ang pakiusap ng pamilya ni Isabel Granada

Filed under Balita Archive Balita RSS RSS Feed

ISA kaya ang aktres na dumalaw sa burol ni Isabel Granada sa tinutukoy nina Nadia Montenegro, Bianca Lapus, at Chuckie Dreyfuss na walang respeto dahil nag-post ng picture ni Isabel na nakahimlay sa kabaong?

8ISABEL copy

Kahit hindi kita ang mukha ni Isabel, paglabag pa rin sa pakiusap ng pamilya ang pagpo-post nito ng picture ni Isabel habang tinitingnan niya.

Pero, sino kaya ang kumuha ng picture ng actress habang nakatunghay kay Isabel? Iba ang kumuha ng picture ng aktres, pero sa Instagram account niya naka-post at last time we checked, kahit nakiusap na ang mga kaibigan ni Isabel na i-delete ang picture, hindi pa rin nito ginagawa.

Post ni Nadia, “Kung sino ka man na kumuha ng picture ni ISABEL sa kanyang casket at kinalat sa social media at sa inyong nagkakalat din ng picture ng bangkay ni Isa, isa lang masasabi ko… WALA KAYONG MODO! MGA BASTOS! WALANG RESPETO! #Respeto.

“KONTING RESPETO LANG! KUNG GAWIN SA INYO YAN? DI KAYO MAGAGALIT??? Hindi pakikiramay ginawa mo! Gusto mo lang magpasikat! DO WHAT IS RIGHT EVEN WHEN NO ONE WATCHING!! Dahil Diyos nakikita lahat niya! YAN LANG ANG HINILING NG PAMILYA NI ISABEL WAG SYANG KUNAN. KONTING RESPETO LANG.”

Sinundan ito ng pakiusap ni Bianca: “Sa mga dumadalo sa public viewing ni Isabel, nagpapasalamat po kami sa oras at pagmamahal na inaalay niyo sa kanya pero may signages at announcement po na sana ‘wag naman po picturan ‘yung mukha niya.

“Sana po i-respect naman natin ang kahilingan ng kanyang pamilya. Si Mama Guapa nga po hindi makalapit sa anak niya at ayaw niya makita sa ganong kalagayan pero kinakalat niyo pa. Respeto lang po puwede niyo naman makita ng personal, eh, pinagbigyan na nga kayo na makita siya, eh. Salamat.”

Nakiusap din si Chuckie: “Pakiusap naman po. Sa mga nagpo-post ng photo ni Isabel sa kabaong — RESPETO NAMAN PO.

Bawal po gumamit ng camera or cellphone para kunan ng photo si Isa. May panawagan na nakapaskil sa burol. Mahiya naman kayo!

Sa mga makakakita ng ganitong klaseng photo sa social media, pakireport po agad sana para matanggal. Maraming salamat po.”

Nabasa namin, kalat na sa Facebook ang picture ni Isabel na nasa kabaong at ‘yung isa, ginawa pang profile sa kanyang FB account ang picture ng namayapang aktres. May nag-upload din daw sa YouTube.

Samantala, this Sunday, 2 PM, ang cremation ni Isabel saka ibabalik sa Santuario de San Jose. Ang nabasa namin, dito rin nakalagak ang abo ng kanyang ama.