McGregor, nagpapansin sa Bellator 187

Filed under UFC Balita RSS RSS Feed

NABAHIRAN ng kontrobersya ang career ni UFC lightweight at featherweight champion Conor McGregor matapos umanong mangulo at itulak si referee Marc Goddard at Bellator staff member.

Nakibahagi ang Irish UFC star sa crowd sa 3Arena sa Dublin para sa Bellator 187 kung saan sumasabak ang kanyang teammate na si Charlie Ward kontra John Redmond. Tinalo ni Ward si Redmond at kaagad na sumugod si McGregor sa cage para makisalo sa selebrayon.

Ngunit, pinigilan ni Goodard si McGregor na hindi nagustuhan ng tinaguriang “The Notorious”.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagkaalitan sina McGregor at Goodard. Sa UFC Fight Night 118 sa Poland, pinigilan ni Gooddard si McGregor na makapagbigay ng instruksyon kay Artem Lobov dahil hindi umano ito bahagi ng cornerman ng fighter. (Brian Yalung)