Jed Madela, itsa-puwera sa Christmas Station ID ng Dos

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Ni: Reggee Bonoan

ANG ganda ng 2017 Christmas Station ID ng ABS-CBN na may titulong Just Love sa pangunguna ng mga sikat na mang-aawit/performers sa ASAP na sina Piolo Pascual, Toni Gonzaga, Ogie Alcasid, Zsa Zsa Padilla, Sarah Geronimo, Martin Nievera, Erik Santos, Billy Crawford at Gary Valenciano.

JED copy copy

Nakita rin namin sina Yeng Constantino, Darren Espanto, Boyband PH members, Birit Queens na sina Morissette Amon, Angeline Quinto, Klarisse at Jona. Pasok din sina Kyla, Daryl Ong, Jason Dy at KZ Tandingan.

Parte rin ang bagong Jambalaya group ng ASAP na sina Iñigo Pascual, Zia Quizon, Moira dela Torre, Kaye Cal, Migz Haleco, Isabela Vinzon, Jeremy Glinoga, Mica Becerro, Jona Marie Soquite. Kasali rin sina Ella Nympha, John Clyd Talili at last frame si Xia Vigor.

Ang awiting Just Love ay komposisyon ni Jimmy Antiporda katuwang sina Lloyd Oliver Corpuz, Christian Faustino at ang ABS-CBN Creative Communications Management head na si Robert Labayen.

Kapansin-pansin na wala ang WCOPA champion na si Jed Madela sa bagong Christmas Station ID ng Dos. Hindi ba’t kasama rin sa ASAP bukod sa naging hurado rin ng Your Face Sounds Familiar at “Tawag ng Tanghalan” ng It’s Showtime ang singer?

Sakto na nakita naming naka-online si Jed kaya tinanong namin kung bakit hindi siya kasali.

“I actually don’t know. Was ready to shoot last last Sunday (October 29) along with everyone but they said I wasn’t in the list,” sagot ni Jed sa amin.

Hmmm, bakit nga ba? Sino kaya ang puwedeng sumagot ng tanong namin?

  • MarianoRivero

    Nanduon po siya, sa ASAP video clip (>> 8:30). Ang bilis lang.