Luis, talo ni Jessy sa malalayong lakaran

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed
Jessy at Luis

Jessy at Luis

Ni JIMI ESCALA

NAKAPAG-RELAX nang husto si Luis Manzano sa bakasyon nila ni Jessy Mendiola sa Japan. Kaya ganadung-ganado siyang humarap muli sa trabaho niya sa kanyang game show.

“Well deserved breather para sa akin ‘yun. Obviously, nagdagdagan ako ng timbang pero okey lang,” sey ni Luis.

Inamin ni Luis na sa marami pa silang natuklasan ni Jessy sa isa’t isa habang nagbabakasyon. Kasabay pa rin niyang ikinuwento ang mga bagay-bagay na medyo kinaiinisan nila.

“Si Jessy, kayang-kaya niyang maglakad nang maglakad kahit sobrang layo na. Ako talaga, medyo iritado nang maglakad nang sobrang layo. It is not because napapagod ako, for some reason, kapag naglakad kasi ako kahit medyo malamig, eh, I start sweating,” kuwento ng premyadong TV host’ na ngayon ay muling nominado sa 2017 Star Awards for TV na gaganapin ang awarding rites sa November 12.

Kung si Jessy ang kasama niya sa bakasyon niya, magkakasama naman ng kanyang inang si Congresswoman Vilma Santos, kapatid niyang si Ryan Christian at si Senator Ralph Recto.

May sariling dahilan si Luis kung bakit hindi sila nakasama ni Jessy sa tatlo. Nagdiwang din ang multi-awarded actress and politician ang kaarawan habang nasa bakasyon.

Ano an iniregalo niyakay Cong. Vi?

“Well, meron na siyang lahat. Kaya problema lang sa akin kung ano ang ibibigay ko, kaya this time, eh, problema na lang ang regalo ko sa kanya,” natatawang sagot ni Luis. “Seriously, she always, prefers something special. Nothing expensive, so, something special from the heart.”

Tungkol naman sa career, halos lahat ng klaseng game shows ay nai-host ni Luis pero kung siya raw ang masusunod mas gusto niyang ibalik sa ere ang Game Ka Na Ba.

Samantala, nalaman namin kay Luis na siya ang magiging “best man” sa kasal ni Anne Curtis kay Erwan Heusaff sa New Zealand.