Kapatid ng Marseille attacker kinasuhan sa France

Filed under Daigdig Balita RSS RSS Feed

PARIS (AFP) – Kinasuhan ng terror offences ang kapatid ng lalaking Tunisian na sumaksak at pumatay sa dalawang batang babae sa main train station ng Marseille, ayon sa judicial sources.

Si Anis Hanachi, na inaakusahan ng French investigators na dating jihadist fighter sa Iraq at Syria, ay ipinabalik sa Italy nitong Huwebes.

Ayon kay Italian anti-terrorism chief Lamberto Giannini, inaalam ng French investigators kung si Anis “indoctrinated… Ahmed and caused his radicalisation”.