Bagyo sa Vietnam: 27 patay, 22 nawawala

Filed under Daigdig Balita RSS RSS Feed

HANOI (AP) – Isang malakas na bagyo ang nanalasa sa Vietnam na ikinamatay ng 27 katao at 22 iba pa ang nawawala sa gitna ng malawak na pinsalang idinulot nito sa south-central coast.

Kabilang sa mga nawawala ang 17 crew ng cargo ships na lumubog sa baybayin ng central province ng Binh Dinh. Pitumpu’t apat na iba pang crew members ang nasagip.

Mahigit 600 kabahayan ang nawasak at halos 40,000 iba pa ang nasira ng bagyong “Damrey’ na nagdulot ng malawakang blackout sa buong rehiyon.