Arrest warrant vs Catalan leader

Filed under Daigdig Balita RSS RSS Feed

MADRID (AFP) – Nag-isyu ng EU arrest warrant ang isang Spanish judge laban sa pinatalsik na separatist leader ng Catalonia na si Carles Puigdemont, isang araw matapos niyang mabigong magpakita sa interogasyon kaugnay ng kanyang gampanin sa magulong independence drive ng rehiyon.

Nakadagdag sa galit at pagkadismaya ang anunsiyo sa ikalawang magkasunod na demonstrasyon sa rehiyon, kasabay ng mga naghihiyawang raliyista at nagwawagayway ng Catalan flags ng pula at yellow stripes na may white star.

Nais ng Spanish prosecutors na kasuhan si Puigdemont ng kasong rebelyon, sedition at maling paggamit ng kaban ng bayan. Nitong Huwebes, binalewala ng 54-anyos ang imbitasyon na magpakita sa judge sa Madrid.