FEU, wagi sa ABS-CBN Sports

Filed under Basketball Balita RSS RSS Feed

NAUNGUSAN ng Far Eastern University ang ABS-CBN Sports, 94-92, para sa unang panalo sa UAAP Season 80 Goodwill Games nitong Sabado sa Smart-Araneta Coliseum

Naisalpak ni Mike Casiño ang game-winner may tatlong segundo ang nalalabi, habang sumablay ang jumper ni Mikee Reyes sa buzzer na nagpuwersa sana sa overtime.

Kumubra si Casiño ng 19 puntos, 10 rebounds, dalawang assists at dalawang rebounds, habang kumana si Jack Gloria ng 16 puntos, limang rebounds at tatlong assists para sa FEU.

Nag-ambag si Tamaraws legend at dating PBA MVP Johnny Abarrientos at dating PBA star Ritchie Ticzon ng tig-16 puntos.

Nanguna sa ABS-CBN Sports si Ren-Ren Ritualo sa naiskor na 45 puntos, habang nagsalansan si Christian Luanzon ng 20 puntos at 15 rebounds.

Nangunguna ang UAAP Media na may 2-0 karta.

Iskor:
FEU (94) – Casiño 19, Gloria 16, Abarrientos 16, Ticzon 16, Jopia 12, Gabane 6, Flores 3, Lastimosa 2, Betia 2, Albano 2, De Guzman 0, Gonzales 0, Valderama 0, Guardiano 0.

ABS-CBN Sports (92) – Ritualo 45, Luanzon 20, Reyes 12, Hermida 10, Roxas 3, Corpuz 2, Nunag 0, Montebom 0, Javier 0.

Quarterscores: 24-27, 44-42, 68-65, 94-92