Ria at Coleen, isang linggong bonding sa New York

Filed under Balita Archive Balita RSS RSS Feed

Ni: Reggee Bonoan

LUMIPAD si Ria Atayde papuntang New York kamakailan para samahan ang pinsan cum best friend niyang si Coleen Garcia sa tatahi ng wedding gown nito sa kasal kay Billy Crawford sa 2018.

Si Ria rin ang magiging maid of honor ni Coleen.

Umalis noong Oktubre 4 ang dalawa at umuwi na nitong Oktubre 11 dahil kailangan nang mag-taping ni Coleen para sa seryeng Ikaw Lang Ang Iibigin kasama sina Kim Chiu, Jake Cuenca, JC Santos at Gerald Anderson.

Kaya isang linggong nakapag-bonding nang husto sina Ria at Coleen kasama ang ilang kaibigan na naka-base sa New York.

“This trip has been nothing short of interesting from being followed by sketchy people, to getting excited re the next meal to missing our flights and still having smiles on our faces,” post ni Ria Instagram (IG). “My maid-of-honor skills were really put to the test hahaha. Thank you @coleen for experiencing all of those firsts with me. I am extremely grateful to have had this (possibly) last trip with you as a single woman. And well, I’m now looking forward to our future trips with @billycrawford as our third wheel.”

‘Yun nga lang, isang linggo namang na-miss nang husto ni Billy si Coleen.

“I’m so happy that my love, fiancée is back home in my arms!” post naman ng Little Big Shots host sa IG. “Was jealous of NY already. Damn you Yankee! Love you so so much and missed you like banoodles. Ha ha straight to taping from the airport. #Galing hahaha.”

Ganoon ka-professional si Coleen, kahit pagod sa 11-hour trip ay dumiretso siya sa taping ng Ikaw Lang Ang Iibigin taping critical na ang mga eksenang ipinapalabas ngayon.

Sa napapanood na kuwento ngayon sa serye, alam na ni Roman (Michael de Mesa) na hindi niya anak si Carlos (Jake Cuenca) kaya nag-iimbestiga na siya at naiisip na baka si Gabriel (Gerald Anderson) ang anak niya.

Samantala, si Isabel (Coleen) ang may hawak ng sekreto ni Carlos kaya kahit hindi niya mahal ang dalaga na super in love naman sa kanya ay kinailangan niyang pakisamahan para hindi siya ibuking.