UST beach belles, papalo sa Finals

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

GINAPI ng tambalan nina Cherry Rondina at Caitlyn Viray ng University of Santo Tomas ang karibal na sina Bernadeth Pons at Kyla Arienza ng Far Eastern University, 22-20, 17-21, 15-13, para makausad sa championship round ng women’s division ng UAAP Season 80 beach volleyball tournament sa Sands SM By The Bay.

Naitala ng Tigresses ang ikapitong sunod na panalo para makausad sa best-of-three title series.

Laglag ang Lady Tamaraws sa 6-1 karta at tangan ang twice-to-beat advantage sa second step-ladder semifinals.

Magaan namang naidispatsa ng De La Salle’s Tin Tiamzon at May Luna sina Ateneo’s Bea de Leon at Jules Samonte, 21-10, 21-9, para makausad sa semis. Haharapin nila ang tambalan nina Diana Carlos at Ayel Estrañero ng University of the Philippines sa first step-ladder.

“Siyempre mas maganda kung makuha namin ang gold,” sambit ni Rondina. “Kinakailangan pang trabahuin.”