Pamilya ni Nadine, tahimik sa trahedya

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Ni NITZ MIRALLES

MAY bagong post sa Instagram si Nadine Lustre na, “Magkwento na lang mali pa.” 

Sigurado ang mga nakabasa na tungkol ito sa nangyari sa kanyang kapatid na nag-suicide, pero ang gustong malaman ay kung sino ang tinutukoy ni Nadine na mali ang kuwento.

Nadine2 copy

Wala pang formal na pahayag ang pamilya ni Nadine tungkol sa nangyari sa kanyang kapatid at mukhang hindi na sila magsasalita. Kaya ang basehan na lang ay ang lumabas sa police report.

Puro haka-haka ang lumalabas na balita, tipid sa picture at ang picture lang na nag-viral ay ang ipinost ng tita ni Nadine sa burol ng kapatid na kumanta si Gary Valenciano.

Ang daming gustong malaman ng marami, gaya kung kanino ang baril, sino ang may-ari ng baril at kung bakit nakuha ng menor de edad na nasawi?