Pamilya ni Ellen, susunod sa kanila ni John Lloyd sa Europe

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Ni JIMI ESCALA

INIIWASANG magkomento ng kababayan naming fashion designer na malapit kay Ellen Adarna hinggil sa napabalitang pagpapakasal ng aktres kay John Lloyd Cruz sa ibang bansa. 

Ellen at John Lloyd copy

Ang kanyang katwiran, ayaw niyang pangunahan ang anumang gagawin nina Lloydie at Ellen. Pero inamin niya na may nabanggit sa kanya si Ellen na malamang daw na mas pag-uusapan sila ni John Lloyd pag-uwi nila sa Pilipinas. 

May pahaging kuwento pa nga raw si Ellen sa kanilang magkakaibigan na dapat daw ay maging masaya silang lahat sa nangyayari at mangyayari pa sa lola nila na ang tinutukoy ng aktres ay ang sarili mismo niya.

Dagdag na kuwento pa ng fashion designer, may malalapit na kamag-anak si Ellen sa Cebu na nagbabalak na sumunod sa magkasintahan sa Europe.

Ang isa sa mga idinahilan ni John LLoyd Cruz sa kanyang “leave of absence” sa management ng ABS-CBN ay may dadaluhan daw siyang kasal ng isa sa mga kaibigan niya.

Napangiti ang source nang tanungin namin tungkol sa isyu na dalawang buwang buntis si Ellen. 

“Maaaring totoo, maari rin namang hindi. Basta sa ngayon, sina Lloydie at Ellen lang ang makakasagot sa mga isyung ‘yan. Ang alam ko lang, eh, may pinaplanong isang negosyong magkasamang bubuksan ang dalawa,” sey ng source.