Pagunsan, impresibo sa PGA Tour

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

KUALA LUMPUR – Umiskor si Pinoy golf star Juvic Pagunsan ng 73 para sa matikas na simula sa PGA Tour’s CIMB Classic nitong Huwebes sa West Course ng TPC Kuala Lumpur.

Naitala ng shotmaker mula sa Bacolod ang dalawang birdies laban sa tatlong bogeys, siyam na puntos ang layo sa lider ng US$7 million event (P360 million).

Nangunguna si Cameron Smith ng Australia sa naiskor na bogey-free eight-under 64, kasunod sina Keegan Bradley, Xander Schauffele at Poom Saksansin ng Thailand.

Kumubra naman sina Kevin Na, Gary Woodland at Pat Perez ng 66s para magsosyo sa ikalima.