NPA member sumurender

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

Ni: Rizaldy Comanda

BANGUED, Abra – Sumuko ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa mga awtoridad sa Barangay Poblacion Gangal sa Sallapadan, Abra, noong nakaraang linggo.

Inihayag ni Sallapadan Mayor Nenita Mustard Cardenas na si Lowel Carmelo Maglia, 22, miyembro ng Kilusang Larangang Gerilya (KLG) North Abra, at residente ng Bgy. Ud-udiao, Sallapadan, ay kusang sumuko, nang walang dalang armas, sa kanyang opisina, sa harap ng mga kinatawan ng Police Regional Office (PRO)-Cordillera at pinagsanib-puwersang elemento ng PROCOR at 73rd DRC sa Sadag Patrol base sa Sitio Sadag, Bgy. Maguyepyep, Sallapadan, Abra.