Nahulog sa patrol car, dedo

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

Ni: Light A. Nolasco

MARIA AURORA, Aurora – Pinaniniwalaang tumalon ang isang lalaki mula sa tumatakbong patrol car ng pulisya, na kanyang ikinamatay nitong Sabado, iniulat ng pulisya.

Kinilala ang biktimang si Conrado Parrocha, residente ng Purok 6, Barangay 2, Maria Aurora.

Nabatid na dumulog sa pulisya ang 24-anyos ang asawa ni Parrocha na si Aprilyn upang humingi ng tulong hinggil sa pambubugbog umano sa kanya ng mister.

Dakong 2:00 ng umaga nang ihatid ng mga operatiba ang mag-asawa sa kanilang tahanan, hanggang namalayang wala na sa sasakyan si Conrado na umupo sa backseat.

Kalaunan, nakatanggap ng report ang pulisya mula sa Aurora Police tungkol sa isang lalaki na natagpuang nakahandusay sa kalsada, at nakumpirmang si Conrado ito.

Kaagad na isinugod sa ospital ang biktima ngunit binawian din ng buhay.